AMA

akala ko’y di na muling mararamdaman

takot na mula sa nakaraan

pilit man ito ay kalimutan

ngunit ito’y pilit akong binabalikan

 

Sa tuwing sasapit ang sabado

puso ko ay kabado

uuwi kaya si amang sweldo ay buo

o darating ang hatinggabi sa kanya’y ami ang susundo

 

pagsapit nang alas otso ng gabi

at ama ko ay wala pa sa tabi

siguradong ako’y di nagkakamali

siya ay lasing na uuwi

 

tiniis lahat ng pananakit

mapigil lang siya pag galit

ako’y naniniwalang siya lang ay walang bait

sapagkat alak sa kanya nakakapit

 

sa tuwingnakikita ko kung paano nniya saktan si ina

puso ko’y parang minamakina

nanaisin na ako nalang ang magtapang tapangan

kesa ina ko ay tuluyang masaktan

 

laking pasasalamat kapag siya ay tumigil na

sa wakas makakatulog na kami ni ina

kinabukasa’y parang wala na

ngingiti at sakanya ay tatawa

 

Isang linggo hindi mag uusap ang aking magulang

naiipit ako sa dalawa sa musmus kong gulang

iisipin na isang bangungut lang

darating ang araw ako’y muling malilibang

 

Sa loob ng maraming taon ako na ay nasanay

linggo linggo sa amin ay may lalatay

nagagawang kami ay pagbuhatan ng kamay

ng aking amang sa katawan ay may alak na taglay

 

Laking pasasalamat si ama ay nagbago

minsan nalang uminom ang ama ko

alam kong siya ay nagbago

dahil mahal niya kami ng ina ko

 

ngunit bakit kapag abril ay sasapit

dating ama ay bumabalik

kapag lasing ay nananakit

minsan may dugo pang sumisirit

 

kaya ngayon dalangin ko sana abril madaling lumipas

upang ako’y muling makaalpas

sa takot mula sa dati kong dinanas

sa amang kapag nalasing ay wagas

 

sana matapos na ang abril

upang takot ko ay matigil

ayokong muli ko siyang mapigil

sa tuwing sa galit nanggigil

 

akoy laging nagdarasal

nawa’y pakinggan ng maykapal

gabi gabi sakanya’y inuusal

ama koy sana mabago ang asal

 

akoy nagpapasalamat

sapagkat ama ko’y mahal kaming tapat

siya may nagkakamali

yun ay di sapat para siya ay igalang at mahalin ng tapat

 

“ama mahal na mahal kita

ano man ang mangyari igagalang ka

sakit ay di alintana basta’t mapigil ka

wag lang masaktan ang mahal kong ina”

 

“darating ang panahon

tayo ay muling aahon

nakaraan ay ibabaon

kakalimutan ang pngit na kahapon”

 

“sakit na naranasan

sa akin ay wala lang

ang mahalaga ikaw ay mahawakan

sa tuwing ikaw ay may sasaktan”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s